^

PM Sports

Bryant hindi pa sigurado kung makakalaro sa Lakers

Pang-masa

LOS ANGELES – Hindi pa sigurado si Kobe Bryant kung puwede na siyang maglaro sa pagbubukas ng kampanya ng Los Angeles Lakers sa 2013-2014 season sa Oct. 29, bagama’t mas nauuna ito sa schedule ng kanyang recovery at rehabilitation mula sa kanyang inoperahang Achilles’ tendon.

Si Bryant  ay magiging  35-gulang na sa susunod na linggo at nangakong hindi pa matatapos ang kanyang 17-year career.

“I just want that jewelry,’’ sabi ni Bryant patukoy sa pagkopo ng kanyang ikaanim na NBA championship. ‘’People just don’t understand how obsessed I am with winning.’’

Nakausap si Bryant ni Jimmy Kimmel sa ‘’Kobe Up Close,’’ isang one-on-one interview sa NBA superstar noong Huwebes  sa Nokia Theatre sa tapat ng Staples Center.

Isa lang ang sagot ni Bryant nang tanungin ni Kimmel kung tatapusin niya ang kanyang career sa isang team lamang.

“Yeah,’’ sagot ni Bryant.

Ang 7,100-seat venue ay napuno ng fans ni Bryant na naghihiyawan kaya laging natitigil ang isang oras na programa. Ang mga kinita sa benta ng ticket ay mapupunta sa  Kobe and Vanessa Bryant Family Foundation na tumutulong sa mga taong walang matirahan.

Tinanong ni Kimmel si Bryant: ‘’If there was only one homeless person in the world, would you be happy if it was Dwight Howard?’’

Naghiyawan ang crowd ukol sa tanong patungkol kay Howard na iniwan ang Lakers matapos lamang ang isang season.

“Dwight is a great kid,’’ sabi ni Bryant  na halos di na narinig sa pagbo-boo ng audience. ‘’We have different perspectives on what it takes to win.’’

 

vuukle comment

BRYANT

DWIGHT HOWARD

JIMMY KIMMEL

KIMMEL

KOBE AND VANESSA BRYANT FAMILY FOUNDATION

KOBE BRYANT

KOBE UP CLOSE

LOS ANGELES LAKERS

NOKIA THEATRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with