Monfort nagbida sa panalo ng Energy barako bull bawi agad
MANILA, Philippines - Isa nang malaking karangalan para kay Eman Monfort ang makapaglaro sa Philippine Basketball Association. Doble pa ang kanyang kasiyahan matapos makatulong sa unang panalo ng Energy sa season-ending conference.
Umiskor ang 5-foot-6 na si Monfort ng 22 points, kasama dito ang tatlong three-pointers sa third period, para igiya ang Barako Bull sa dramatikong 90-89 panalo laban sa Meralco sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
“Inisip ko lang kung ano ang magagawa ko para makatulong sa team kasi nag-struggle kami sa first game namin against Talk ‘N Text,†sabi ng 2012 PBA Draft No. 16 overall pick ng Energy na galing sa 113-118 overtime loss sa Tropang Texters noong Biyernes.
Mula sa 89-90 bentahe ng Meralco sa huling 41.5 segundo, nagmintis si Monfort sa 3-point line, 16.9 segundo na lang na nagbigay sa Bolts ng tsansang maagaw ang unahan, ngunit sumablay ang layup ni West,10.2 tikada na lang.
Tumalbog naman ang dalawang free throws ni Dorian Pena sa posesyon ng Barako Bull kasunod ang drive ni import Mario West mula sa hu-ling play ng Meralco sa natitirang 0.8 segundo.
Tumapos si West na may 33 points para sa Bolts kasunod ang 16 ni Reynel Hugnatan at 12 ni Sunday Salvacion.
- Latest