Pekovic, Timberwolves nagkasundo sa 5-year, $60M deal
MINNEAPOLIS – Ayaw iwanan ni Nikola Pekovic ang Minnesota at ayaw din ng Timberwolves na pakawalan siya.
Matapos ang ilang linggong negosasyon, hintayan at bantayan, nagkasundo ang magkabilang panig nitong Miyerkules sa bagong five-year contract na nagkakahalaga ng $60 million na may additional pang $8 million na incentives.
“He’s a dominating offensive player,’’ sabi ni Timberwolves president of basketball operations Flip Saunders. “He plays extremely hard. He probably will work as hard as he can to live up to a contract he signs, whatever it is worth.’’
Matapos magposte ng career-high 16.3 points at 8.8 rebounds per game noong nakaraang season, ang 27-gulang na si Pekovic ay naging restricted free nang magbukas ang fiscal year ng liga noong July 1 na na-ngangahulugang maaaring tapatan ng Timberwolves ang anumang offer sa kanya at sinabi na ni Saunders noong una pa na gagawin niya ang lahat para hindi mawala sa kanila ang player.
Sa huli, dinagdagan ng isang taon ang kanyang naunang four-year, $48 million contract.
“With him and Kevin Love and Ricky Rubio, we’ve got three cornerstones in that franchise that all complement each other,’’ sabi ni Saunders.
Matapos ang tatlong seasons sa NBA, si Pekovic ay naging isa sa mahusay na offensive big men ng liga. Maraming teams ang nagkainteres sa kanya para magkaroon ng size at scoring sa paint. Hinintay muna niyang makapirma si Dwight Howard sa paniniwalang may makukuha itong malaking offer mula sa Hawks o Mavericks .
- Latest