Stoudemire nag-apply ng Israeli citizenship
MANILA, Philippines - Hindi itinago ni Amar’e Stoudemire na interesado siyang linangin ang kanyang espirituwalidad at kasama dito ang kanyang Jewish faith mula sa kanyang ina.
Regular na naglalagay si Stoudemire ng mga biblical quotes sa kanyang social media accounts at nakikitang nakasuot ng Yarmulke sa mga basketball-related events.
Nagbakasyon si Stoudemire sa Israel at nag-apply na para sa Israeli citizenship, sabi ng kanyang agent na si Happy Walters sa nymag.com.
Nauna nang inihayag ni Stoudemire na naging part owner siya sa Israeli basketball club na Hapoel Jerusalem at nakipagtambal kay basketball at baseball agent Arn Tellem. Sinabi ni Israeli president Shimon Peres na gusto niyang maglaro si Stoudemire sa Israeli national Team sa susunod na taon.
Ngunit inaasahang hindi ito papayagan ng Knicks na hindi pinaglaro si Stoudemire sa Team USA noong 2010.
Hindi papayagan ng Knicks si Stoudemire na maglaro sa anumang kapasidad dahil sa kanyang gua-ranteed contract.
- Latest