LeBron gustong maging president ng NBA players union
MANILA, Philippines - May balitang hangad ni LeBron James na ma-ging presidente ng players union at ipinagtataka ito ng marami dahil nasa kasagsagan siya ng kanyang NBA career.
Laging updated si James sa mga pangyayari sa unyon at may interes din siya sa pagpapatakbo ng liga na hindi lamang ang kasalukuyang henerasyon ng mga NBA players ang makikinabang kundi pati na ang mga future generations.
Siya ang nanguna sa mid-season union meetings at laging nagsasalita noong kasagsagan ng negosasyon sa NBA lockout.
Kasalukuyang nasa transition ang National Basketball Players Association at iniisip ni James na ito ang tamang panahon para makialam siya bilang opisyal.
“It’s something he has talked about with a small group of people,†ayon sa source na malapit kay James. “He was very vocal at the meeting during the All-Star Weekend about the need for the union to dramatically change. There is a new executive director coming in and new commissioner. He recognizes that this is the time for the union to change.â€
Mahigit isang dekada na nang huling nagkaroon ng All-Star caliber player na president ang unyon na si Patrick Ewing noong 1997-2001.
Ngunit ito ay noong ika-14, 15, at 16 taon ng career ni Ewing na tumagal ng 17-years sa liga, lagpas na sa kanyang kasikatan.
- Latest