^

PM Sports

Martin sabik na maglaro kasama sina Love at Rubio

Pang-masa

MANILA, Philippines - Maraming natutunan si Kevin Martin sa isang taong pananatili sa Oklahoma City, tungkol sa pagla-laro para sa isang contender, kung paano gamitin ang depensa para tabunan ang kahinaan ng isang player at kung paano mapapaghusay pa ang kanyang laro.

Ngunit isang simpleng bagay ang pinakamahalaga sa lahat – ang makalaro kasama sina Kevin Durant at Russell Westbrook.  Ngayon umaasa siyang ganito rin ang mangyayari sa kanya sa Minnesota kasama sina Kevin Love at Ricky Rubio.

“After playing with Kevin Durant and Russell, I wasn’t going to another team without a superstar,’’ sabi ni Martin. “It just elevates your game and makes your life a lot easier.’’

Sinabi ni Martin na pinatunayan na ni Love, isang Olympian, dating All-Star at rebounding champion, na isa siya sa mga iniidolong player sa liga at sa tingin niya ay gagaling na rin ng husto si Rubio sa kanyang ikatlong season.

Nang maramdaman niyang kakapusin sa pamba-yad ang Thunder sa kanya, nitong summer, ang sumama kina Love, Rubio at coach Rick Adelman, na nag-coach kay Martin sa Sacramento at Houston ay naging napakadaling de-sisyon sa kanya.

Napunta si Martin sa Oklahoma City mula sa James Harden trade para punan ang role ni Harden sa opensa ng koponan mula sa bench.

vuukle comment

JAMES HARDEN

KEVIN DURANT

KEVIN DURANT AND RUSSELL

KEVIN LOVE

KEVIN MARTIN

OKLAHOMA CITY

RICK ADELMAN

RICKY RUBIO

RUBIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with