^

PM Sports

‘Howard magkakaproblema rin sa opensa ng Houston’ - D’Antoni

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung may usok, may sunog at ito ang sinasabing nangyari sa pagitan nina Dwight Howard at Los Angeles Lakers coach Mike D’Antoni.

Kasama si Howard sa maraming hindi nagustuhan ang pagpapatakbo sa opensa ni D’Antoni sa Lakers sa nakaraang 2012-13 season.

Bukod dito, naging dahilan din ng mahinang kampanya ng Lakers sa ilalim ni D’Antoni ang mga injuries at kawalan ng training camp.

Ito, pati na ang kawalan ng magandang kinabukasan ng Lakers, ang naging pinakamalaking dahilan para iwanan ni Howard ang Los Angeles at lumipat sa Houston nitong Hulyo.

Ipinakilala ng Rockets si Howard kasama ang kanilang mga dating naging sentro na sina Elvin Hayes, Ralph Sampson, Hakeem Olajuwon at Yao Ming kasabay ng paghahayag sa posibleng paghusay ng All-Star center sa ilalim ni coach Kevin McHale.

Ngunit may isang problema.

Sinabi ni D’Antoni na pinapatakbo rin ng Houston ang opensa na kanyang ginagamit sa Lakers na hindi nagustuhan ni Howard.

“The thing that cracks me up is Houston, they do the exact same thing,” wika ni D’Antoni. “And so (Howard) is gonna go to Houston? OK, so did they talk about change there? Don’t tell me that it’s that different.”

 Ayon kay D’Antoni, dapat tanggapin ni Howard kung paano siya magiging isang special player.

“He’s a force and he can be really, really good and dominate the league,” ani D’Antoni. “But it’s in an area that he’s not lo-ving right now. He wants to dominate a different way, in the low post and all that.”

ANTONI

DWIGHT HOWARD

ELVIN HAYES

HAKEEM OLAJUWON

HOWARD

LOS ANGELES

LOS ANGELES LAKERS

MIKE D

RALPH SAMPSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with