Brand pinapirma ng Hawks para palakasin ang front court
ATLANTA -- Pinalagda ng Atlanta Hawks si two-time All-Star Elton Brand noong Lunes sa hangaring mapalakas ang kanilang front court at makakuha ng veteran leadership sa kanilang locker room.
Naglista ang 34-anyos na si Brand ng mga avera-ges na 7.2 points at 6.0 rebounds per game sa nakaraang season para sa Dallas Mavericks.
Nakita siya sa 72 laro ng Mavericks.
Plano ng Hawks na gamitin ang 6-foot-9 na si Brand bilang backup nina center Al Horford at power forward Paul Millsap.
“Elton brings a veteran presence both on and off the court and is a welcomed addition to our locker room,’’ sabi ni general manager Danny Ferry sa isang statement. “His ability to play center or power forward will give our frontcourt a great deal of versatility and we think he will be an outstanding fit to our program.’’
Hindi ibinunyag ang detalye ng kontrata ni Brand.
Si Brand ang No. 1 overall pick ng Chicago Bulls noong 1999 NBA draft at naglaro para sa Los Angeles Clippers at Philadelphia sa kanyang 14-year career.
- Latest