^

PM Sports

Perpetual nakisalo sa ika-2 puwesto

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Humugot si Juneric Baloria ng walo sa kanyang 18 points sa final canto para tulungan ang Perpetual Help sa 71-66 paggiba sa Lyceum at sumalo sa ikalawang puwesto sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Tumapos si Baloria na may 3-of-5 shooting sa three-point range, habang kumolekta si import Nosa Omorogbe ng 19 points, 9 rebounds at 5 assists para sa Altas na nanggaling sa 77-78 overtime loss sa San Sebastian Stags.

Kinuha ng Perpetual ang isang 13-point lead, 43-30, sa third period bago naagaw ng Lyceum ang una-han, 55-53, buhat kina Shane Ko at Dexter Zamora sa 1:19 minuto ng laro.

Matapos magtabla sa pagtatapos ng third quarter, 55-55, muling naagaw ng Altas ang bentahe sa 62-59 buhat sa pangatlong tres ni Baloria bago ito pinalaki sa 67-61 sa 3:31 minuto ng final canto.

Muling nagtuwang sina Ko at Zamora para ilapit ang Pirates sa 65-68 agwat sa huling 1:23 ng labanan.

Nagsalpak naman ng tatlong magkakahiwalay na free throws sina Scottie Thompson, Baloria at Omorogbe para ibigay sa Perpetual ang 71-65 abante sa nalalabing 15.9 segundo.

“Depensa sa huling minuto ng labanan ang nagpanalo sa amin sa larong ito,” pahayag ni Perpetual Help coach Aric del Rosario.

Tumapos si Zamora na may 13 points kasunod ang 11 ni Ko para sa Lyceum.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pang naglalaban ang Letran at ang  St. Benilde sa ikalawang seniors game.

 

ALTAS

BALORIA

DEXTER ZAMORA

JUNERIC BALORIA

NOSA OMOROGBE

PERPETUAL HELP

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN STAGS

SCOTTIE THOMPSON

SHANE KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with