PBA, TV5 muling magpupulong para sa pagsasaere ng mga laro
MANILA, Philippines - Muling magpupulong ang Philippine Basketball Association at ang kanilang broadcast partner na Sports5 ngayon sa PBA office sa Libis, Quezon City upang ipagpatuloy ang kanilang paghahanap ng magandang schedule para sa mga PBA games.
Sa pagkaka-terminate ng block-time deal ng TV5 sa IBC-13, posibleng bumalik ang pagsasaere ng PBA games sa NBN-4. Ang pangunahing isyu na kaila-ngang pag-usapan ay ang timeslot. Tinanggihan ng PBA board ang naunang proposal ng TV5 na ilipat ang kanilang live coverage ng games sa kanilang sister channel sa UHF band na Aksyon TV.
“No decision yet, but the PBA and TV5 mutually agreed to abide by the terms and provisions of the broadcast contract, particularly on the reach and signals strength of the carrying station to be chosen,†ani PBA commissioner Chito Salud.
- Latest