^

PM Sports

Rockets magmumulta ng $150K sa NBA

Pang-masa

NEW YORK – Maagang nag-ingay ang Houston Rockets tungkol kay Dwight Howard.

Kinumpirma ng league spokesman na ang koponan ng Rockets at ang kanilang mga personnel ay pinagmulta ng $150,000 ng NBA dahil sa mga komento tungkol sa All-Star center habang umiiral pa ang moratorium period ng liga na matatapos na nitong Martes ng gabi.

Nakatakda nang iwanan ni Howard ang Los Angeles Lakers para lumipat sa Houston matapos makipagkasundo sa Rockets noong Biyernes at agad nagpa-interview si Rockets general manager Daryl Morey nang gabing iyon sa Comcast SportsNet Houston kung saan tinalakay niya ang kanilang pagkakakuha kay Howard.

Nagsalita rin si coach Kevin McHale tungkol kay Howard nitong weekend sa Orlando Summer League.

Bagama’t nagbukas ang free agency noong July 1, magiging opisyal lamang ang mga deals nitong Miyerkules na araw ng pagpapatupad ng bagong  sa-lary cap.

Ang bagong salary cap ay itinakda sa $58.7 million.

Ang tax level ay $71.7 million, kung saan mas mabigat ang parusa para sa mga teams na lalagpas dito.

Noon ay nagbabayad ang mga teams ng $1 sa bawat $1 na sosobra ngunit ngayon ay $1.50 ang multa kapag lumagpas sa bagong salary cap at mas malaki pa kapag mas mataas ang sobra.

BAGAMA

BIYERNES

COMCAST

DARYL MOREY

DWIGHT HOWARD

HOUSTON ROCKETS

HOWARD

KEVIN

LOS ANGELES LAKERS

ORLANDO SUMMER LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with