UE nilusutan ang NU; UST wagi sa Adamson
MANILA, Philippines - Kinumpleto ni Roi SuÂmang ang isang four-point play sa huling 3.7 seÂgundo para ibigay sa University of the East ang 71-67 panalo kontra sa National University sa 76th UAAP men’s basketball tourÂnament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
May 19 puntos si SuÂmang sa laro at ang tres ang ikalawang binitiwan laban sa depensa ni BobÂby Ray Parks, Jr. sa huÂling yugto para makabawi ang Red Warriors matapos matalo sa FEU sa kaÂnilang unang laro.
Ang unang tres niya ay nagbigay sa UE ng 67-63 kalamangan, pero naÂgawang makabangon ng Bulldogs sa likod ni Parks bago nasundan ng dalawang split nina Gelo Alolino at Emmanuel Mbe.
Sumablay sa opensa ang UE pero natawagan ng 24-second violation ang NU para mabalik sa Warriors ang bola sa huÂling 21.4 segundo.
Inubos ni Sumang ang oras bago tumirada ng tres kasabay ng pagsabit ng kamay ni Parks para sa isang 4-point play.
Si Charles Mammie ay may 20 rebounds, 15 puntos, 3 assists at 3 steals para sa UE.
Inalis na sa lineup ng NU si 6-foot-8 CameÂrooÂnian Alfred Aroga maÂÂtaÂpos mapatunayan ng UAAP board na kulang siÂÂya sa residency.
Sinandalan naman ng UST ang krusyal na jumÂÂper ni Jeric Teng para angkinin ang 67-62 panalo kontra sa Adamson at makasalo ang FEU sa liderato sa 2-0 karta.
Ang buslo ni Teng sa huling 8.8 segundo ay nangyari matapos huÂmaÂbol ang Falcons mula sa 63-53 agwat at nakadikit sa 62-64.
- Latest





















