Clippers nagmamatigas sa Rivers-draft pick deal
MANILA, Philippines - Ayaw pa ring pumayag ng Los Angeles Clippers na magdagdag ng compensation para makuha sa Boston Celtics si coach Doc Rivers at nagbabantang talikuran na ang deal na naisara nila sa coach, ayon sa mga source.
Matapos sabihin ng Clippers management na hinihintay pa nila ang approval ni team owner Donald Sterling sa draft-pick compensation para kay Rivers, walang ibang offer na inihain sa Celtics kaya inisip ng marami na walang awtoridad ang front office ng Clippers na ibigay ang request ng Boston na first-round pick para makuha si Rivers, sabi ng source.
Nagnenegosasyon ang Celtics at Clippers para sa Kevin Garnett at Rivers deal at nagsalita na si NBA commissioner David Stern na ang Garnett-DeAndre Jordan na bahagi ng trade talks ay hindi puwedeng isabay sa Rivers- draft picks negotiation.
Bilang free-agent, pini-pressure ni Chris Paul ang Clippers na iselyo ang deal kay Rivers at Garnett at ang kawalan ng formal ng offer ng Clippers sa Boston para sa compensation upang makuha si Rivers ay nagbibigay ng kalituhan sa marami, ayon sa sources.
Ayaw ibigay ng Boston ang rights kay Rivers nang walang compensation at ang nais nila ay first-round pick para pakawalan ito sa kanyang $21-milyong kontrata na may tatlong taon pang natitira.
Iginiit ng Boston ang Jordan at first-round pick para kay Garnett at pakakawalan si Rivers sa kanyang contract para lumipat sa Clippers sa hiwalay na deal kapalit ng first-round draft pick, ayon sa sources.
Nakipagkasundo ang Clippers sa five-year, $35 million deal kay Rivers na aabot sa $8 million kada-taon na may kasamang bonus incentives, sabi pa ng source.
Nakipagkasundo rin si Rivers na bibitbitin niya ang ilang Celtics support staff – kabilang sina assistants coaches Tyron Lue at Kevin Eastman, ayon pa sa mga impormante.
- Latest