Ellis mas piniling maging unrestricted free agent
ST. FRANCIS, Wis. – Iiwan na ng Milwaukee Bucks ng kanilang leading scorer.
Nagsabi si Monta Ellis sa Bucks na hindi niya gagamitin ang $11 million option para sa nalalapit na season kaya magiging unrestricted free agent ito pagdating sa July 1.
Ang desisyong ito ay hindi na surpresa sa marami dahil tinanggihan noon ni Ellis ang inalok sa kanya na two-year contract extension.
May posibilidad na umalis din sa Bucks ang kanilang second-leading scorer.
Si Brandon Jennings na nakipagtulungan kay Ellis sa halos 37 percent ng produksiyon ng Milwaukee, ay isang restricted free agent ngayong summer na na-ngangahulugang ang Bucks ay may karapatang tapatan ang anumang alok sa kanya.
Si J.J. Redick na nakuha mula sa isang trade sa Orlando noong February ay free agent na rin.
“Obviously, with the three guys ... you’ve got three pretty good ballplayers,’’ pahayag ng bagong coach na si Larry Drew sa kaagahan ng buwan.
Pinangunahan ni Ellis ang Bucks sa kanyang 19.2 points at 37.5 minutong paglalaro noong nakaraang season na kanyang unang full season sa Milwaukee.
Siya at si Ekpe Udoh ay napunta sa Bucks mula sa Golden State sa trade deadline noong 2012 kapalit ng injured na si Andrew Bogut at Stephen Jackson.
- Latest