Cousins inimbitahan sa Team USA minicamp
MANILA, Philippines - Sinabi ni Jerry Colangelo sa Yahoo! Sports na tapos na siya sa nakaraan at nakatuon na siya sa hinaharap kaya naman inimbitahan niya si Sacramento Kings center DeMarcus Cousins sa USA Basketball minicamp sa July.
Sinabihan noon ng USA Basketball chairman na si Colangelo si Cousins na kailangan muna niyang mag-mature nang mapili ito sa selection team na naging kapraktisan ng USA Basketball Olympic team noong nakaraang summer. Minasama ni Cousins ang mga komento sa kanya at tinanong si Colangelo tungkol dito.
Matapos makipagdebate sa mga USA Basketball executives, ayon sa mga source, inimbitahan ang 22-gulang na si Cousins para sa minicamp na magbibigay sa kanya ng tsansang makasama sa Team USA.
“You bury the past and go forward,†sabi ni Colangelo. “He’s invited and he’s definitely on the list. New year, new summer, new opportunity.â€
Isa si Cousins, lumaro ng tatlong seasons sa Kings, sa mga talentadong big men sa NBA at may abilidad na umiskor sa ilalim sa iba’t ibang paraan. Kaya niyang umiskor sa ilalim, humawak at magpasa ng bola.
Ang 6-foot-11, 270-pounder na si Cousins ay nag-average ng 17.1 points at 9.9 rebounds sa 75 games para sa Kings noong nakaraang season.
Sa kanyang career, nakasagutan niya sina Kings head coaches Keith Smart at Paul Westphal, ang mga teammates, mga team personnel at media.
- Latest

















