Ikalawang termino kay Vargas sa ABAP
MANILA, Philippines - May kumpiyansa si RicÂky Vargas na magkaÂkaroon ng ngipin ang Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) para sa pangarap na kauna-unahang gintong medalya sa Olympic Games.
Muling iniluklok si VarÂgas bilang pangulo ng ABAP sa General Assembly-Election kahapon sa Quezon City Sports Club.
Ang pag-upo ni Vargas hanggang 2016 ay maÂngangahulugan na paÂtuÂloy na pag-implementa sa mga nasimulang programa.
Taong 2009 nang inilaÂgay si Vargas, kasama ni ManÂny V. Pangilinan bilang chairman, sa ABAP at ipinasok nila ang tamang nutrition, sports psyÂchologist at pagkuha ng mga foreign coaches paÂra magbigay ng mga baÂgong kaalaman sa ating mga boksingero.
Nakapasok si Mark AnÂÂthoÂny Barriga sa London Olympics ngunit naÂbigo nang dumanas ng kuÂwesÂtiyonableng pagkatalo sa seÂcond round.
“Four years was too short to prepare a boxer to become contender for a gold medal. But we felt we really need it to give it a shot,†wika ni Vargas.
Apat na taon manuÂnungkulan si Pangilinan biÂlang chairman, habang ang uupong Cagayan de Oro City Mayor na si Oscar Moreno ang magiging vice chairman.
Ang dating Baguio CiÂty Mayor at may-ari ng UniÂversity of Baguio na si Peter Rey Bautista ang iniÂlagay bilang vice president, habang si JJ Vargas ng National Capital Region ang iniupo bilang treaÂÂsurer ng ABAP.
- Latest