^

PM Sports

Austria itinanghal na ABL Coach of the Year

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinilala ng pamunuan ng ASEAN Basketball League (ABL) ang galing ni San Miguel Beer coach Leo Austria nang siya ang gawaran ng 2013 Coach of the Year award.

“Coach Leo Austria was at the top of his profession all season long and this award is no surprise,” wika ni ABL CEO Anthony Marci.

Pinagtuunan ng liga ang 16-game winning streak, isang record sa ABL, na nangyari dahil sa husay sa pagdiskarte ni Austria. Sa kanyang pagmamando, ang Beermen din ang may hawak ng pinakamalaking winning margin sa liga na 52 puntos, 101-49, na ginawa laban sa Saigon Heat noong Abril 17 sa Vietnam.

“A great blend of tactician and motivator, Coach Austria’s understated approach was a strong influence on his players, and we are lucky to have him there in the ABL,” dagdag ni Marci.

Sa ngayon ay pinangungunahan  ni Austria ang Beermen laban sa Sports Rev Thailand Slammers at balak nilang walisin ang dalawang road game para makapasok sa Finals sa ikalawang sunod na taon.

Ang iba pang awards na ipamimigay sa taong ito ay ang World Import MVP, Defensive Player of the Year at AirAsia 2013 ASEAN MVP award na ibibigay sa ASEAN player, kahit import, na siyang may pinakamagandang naipakita sa liga.

vuukle comment

ANTHONY MARCI

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

COACH AUSTRIA

COACH LEO AUSTRIA

COACH OF THE YEAR

DEFENSIVE PLAYER OF THE YEAR

LEO AUSTRIA

SAIGON HEAT

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with