^

PM Sports

Spurs nakalapit sa Finals tinalo ang Memphis sa OT

Pang-masa

MEMPHIS, Tenn. -- Bumangon ang San Antonio Spurs mula sa isang 18-point deficit upang gibain ang Memphis Grizzlies, 104-93 sa Game 3 at makalapit sa pagwalis ng kanilang Western Conference cham-pionship series.

Nanggaling kay Tim Duncan ang unang 5 points sa overtime para sa Spurs tungo sa kanilang 3-0 bentahe sa serye na naglapit sa kanila sa NBA Finals.

Ipinoste ng San Antonio ang kanilang pang-limang sunod na panalo sa postseason.

Puwede nang wakasan ng Spurs ang kanilang serye ng Grizzlies sa Game 4 nitong Lunes sa Memphis.

Asam ng San Antonio na makapasok sa kanilang unang NBA Finals matapos makamit ang kanilang huling korona noong 2007.

Humugot si Duncan ng pito sa kanyang 24 points sa overtime, habang umiskor naman si Tony Parker ng lima sa kanyang 26 points at gumawa ng 6 markers si Tiago Splitter para tumapos ng 11.

Pinamunuan ni Mike Conley ang Memphis mula sa kanyang 20 points at kumolekta si Marc Gasol ng 16 points at 14 rebounds. Nagdagdag si Zach Randolph ng 14 points at 15 boards para sa Grizzlies at  may 15 markers si Quincy Pondexter.

Kinuha ng Grizzlies ang 85-84 abante sa huling 1:04 sa regulation mula sa isang 15-footer ni Gasol.

Itinabla ni Tony Allen ang Memphis sa 86-86 buhat sa kanyang free throw kasunod ang mintis na three-point shot ni Manu Ginobili sa nalalabing 20.9 segundo para sa San Antonio.

Nakuha ng Grizzlies ang huling tira ngunit tumalbog naman ang tres ni Conley sa pagtunog ng buzzer.

 

 

MANU GINOBILI

MARC GASOL

MEMPHIS GRIZZLIES

MIKE CONLEY

QUINCY PONDEXTER

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

TIAGO SPLITTER

TIM DUNCAN

TONY ALLEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with