Federal judge kinatigan si Kobe Bryant
CALIFORNIA -- Isang federal judge sa California na nagsabing hindi maaaring ibenta o sirain ang auction house ni Kobe Bryant na inialok ng kanyang ina.
Nagkaroon ng sigalot si Bryant at ang kanyang inang si Pamela.
Ayon sa reklamo ni Bryant, inilipat ng kanyang ina sa southern New Jersey storage facility ang mga meÂmoÂrabilia niya ilang taon na ang nakararaan para gaÂwing playroom ng kanyang mga apo ang isang kuwarto sa Pennsylvania.
Nagkaroon ng kasunduan si Pamela at ang Berlin, N.J.-based Goldin Auctions noong Enero para ibenta ang mga gamit ni Bryant.
Kabilang dito ang mga practice gear at jerseys, varÂsity letters at awards mula sa Lower Merion High School ni Bryant bukod pa ang isang pirmadong bola mula sa NBA All-Star game at championship rings sa Los Angeles Lakers.
- Latest