Houston humirit Nets, Hawks nanalo rin
HOUSTON -- Nakaiwas ang Houston Rockets na ma-sweep ng Oklahoma City.
Naglista si Chandler Parsons ng 27 points at nagdagdag si Patrick Be-verley ng 16 para ibigay sa Rockets ang 105-103 tagumpay laban sa Thunder sa Game 4 ng kanilang first-round playoff series.
Hindi naglaro si point guard Jeremy Lin dahil sa kanyang nananakit na chest muscle.
Bagama’t nanguna sa fourth quarter sa kanilang huling dalawang laro, kinakapos naman sa dulo ang Rockets laban sa Thunder.
“We felt the pain and frustration from the last two losses... and we didn’t want that to happen for the third straight time,’’ sabi ni Parsons.
Kumayod si Kevin Durant ng limang sunod na puntos para sa isang two-point deficit ng Oklahoma City kasunod ang dalawang mintis sa feethrows ni James Har-den para sa Houston.
Nagkaroon pa ng tsansa ang Thunder na mailagay ang laro sa overtime pero tumalbog ang jump shot ni Reggie Jackson at nagmintis si Serge Ibaka sa kanyang layup sa pagtunog ng final buzzer.
Umiskor si Durant ng 38 points para pamunuan ang Oklahoma City na lumaro sa ikalawang sunod na pagkakataon na wala si injured All-Star guard Russell Westbrook.
Ang Game 5 ay nakatakda nitong Miyerkules sa Oklahoma City.
Sa New York, kumolekta si Brook Lopez ng 28 points at 10 rebounds at nagtala si Deron Williams ng 23 points at 10 assists para banderahan ang Brooklyn Nets sa 110-91 panalo kontra sa Chicago Bulls para makalapit sa 2-3 sa kanilang serye.
Sa Atlanta, umiskor si Josh Smith ng career playoff-best na 29 points para akayin ang Atlanta Hawks sa pagtatayo ng 17-point lead sa halftime patungo sa kanilang 102-91 panalo laban sa India-na Pacers.
Naitabla ng Hawks sa 2-2 ang kanilang serye ng Pacers.
- Latest