^

PM Sports

Speed Maker humagibis para sa ikatlong sunod na panalo noong Huwebes sa Santa Ana

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng Speed Maker ang ikalawang sunod sa mas mataas na grupo na nangyari noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si LT Cuadra Jr. ang hinete uli ng kabayo na kondis­yon  na tumakbo sa race 2 na isang Summer  Racing Fes­tival na itinaguyod ng Philippine Racing Commission (Philracom) at Philippine Racing Club Inc.

Hindi tumiklop ang Speed Maker sa ipinakitang ma­lakas na ayre patungo sa banderang-tapos sa 1,100 metrong distansyang karera para masundan ang na­italang panalo noong Abril 19.

Ang labanan ay nauwi sa pangalawang puwesto at mahusay na naisingit ni RR Camañero ang dalang Fearless Boss sa balya para maungusan ang dating na­sa ikalawang puwesto na Pudolski.

Ang pagsegundo ng Fearless Boss, hindi tumimbang sa huling takbo noong Abril 10, ay nagresulta pa­ra magdiwang ang mga dehadista dahil ang ibinigay sa dehadong 7-1 forecast ay umabot sa P2,839.00.

Nasa P26.50 ang ipinamahagi sa win, habang ang trifecta na 7-1-5 kumbi­nas­yon ay may mas mala­king P8,484.00.

Nakatikim  ang Kat Kat ng ikalawang panalo sa huling tatlong takbo sa bu­wang kasalukuyan  ma­ta­­pos pangibabawan ang race 8 na pinaglabanan sa 1,300m.

Mahusay na ginamitan ni JV Ponce ng latigo ang  Kat Kat para tumulin at lampas ang lamang na I’m Your Boy ni NK Cali­ngasan para sa ikatlong su­nod na segundo puwes­tong pagtatapos.

Nagpamahagi ang patok na Kat Kat ng P6.50, ha­bang ang 7-4 forecast ay umabot sa P16.50.

Si jockey Jeff Zarate na­­man ang lumabas bilang winningest jockey ma­­­tapos makapaghatid ng da­­­lawang panalo.

Unang naipanalo ni Za­­rate ay ang kabayong High Voltage sa race three ba­go isinunod ang Raon sa race 5.

Ikalawang dikit na panalo ang naitala ng High Vol­tage, habang ang Raon ay nanalong muli.

 

vuukle comment

ABRIL

CUADRA JR.

FEARLESS BOSS

HIGH VOL

HIGH VOLTAGE

JEFF ZARATE

KAT KAT

SHY

SPEED MAKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with