^

PM Sports

Respeto kaysa sa premyo ang pinili ni Lim

RCadayona - Pang-masa

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines --- Para kay Rustom Lim ng continental squad na LBC-MVPSF Cycling Filipinas, mas mahalaga ang respeto kaysa sa premyo.

 Kusang-loob na ibinigay ng 19-anyos na si Lim ang Stage Three, may distansyang 104 kilometro mula sa Cauayan, Isabela, kay Mehdi Sohrabi ng Tabriz Petrochemical Team ng Iran sa kahapon ikaapat na edisyon ng Le Tour de Filipinas dito.

 â€œSa last 25 kilometers sa Balagbag humiwalay na kami at hanggang sa last 10 kilometers siya ang nagdala sa akin,” sabi ni Lim ukol kay Sohrabi. “Sa last 5 kilometers kinausap niya ako na don’t sprint na raw.”

 Ayon kay Lim, ang bronze medalist sa juniors’ division ng 2011 Asian Cycling Cham-pionships, pinahalagahan niya ang ginawang pag-akay sa kanya ng 31-an-yos na Iranian cyclist na hinirang na 2011 Best Asian Rider.

“Respeto na lang ‘yung ibinigay ko sa kanya kasi pareho kaming nasa continental teams, tapos inalalayan niya ako nu’ng nag-breakaway kaming dalawa sa last 25 kilometers,” ani Lim kay Sohrabi na kagaya niya ay nagtala ng bilis na dalawang oras, 24 minuto at isang segundo sa nasabing International Cycling Union (UCI) Asia Tour race na itinataguyod ng Standard Insurance, Jinbei, Victory Liner, San Mig Coffee, Magnolia Purewater, Red Media, Foton, Maynilad, Kia, Sign Media, Integrated Waste Management Inc., Eurotel, American Vinyl, LBC at 7-Eleven.

 Kasama nina Sohrabi at Lim sa Top 10 na may magkakatulad na 2:25:07 na tiyempo ay sina Ronnel Hualda ng 7-Eleven Roadbike, Nur Amirull Fakhruddi Mazuki ng Terranganu, Stage One winner Lee Ki Suk ng CCN, Mohd Saiful Anuar Aziz ng Terranganu, Edmundo Nicolas, Jr. ng American Vinyl, Hong Ki-Kim at Jun-Bin Kim ng Korail Cycling Team at Douglas Repacholi ng City of Perth Cycling Team.

Bagamat nabigong makuha ang Stage Two at Stage Three, hawak pa rin ni Lee ang yellow jersey sa individual general classification mula sa kanyang oras na 12:08:21, habang wala naman sa Top 10 ang nagdedepensang si Jonipher ‘Baler’ Ravina ng 7-Eleven Roadbike.

 Ang Tabriz ang kumuha sa stage team classification mula sa kanilang bilis na 7:14:15.

AMERICAN VINYL

ANG TABRIZ

ASIA TOUR

ASIAN CYCLING CHAM

BEST ASIAN RIDER

CITY OF PERTH CYCLING TEAM

ELEVEN ROADBIKE

SOHRABI

STAGE THREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with