Kabayong Some Like It Hot mainit ang naging panalo
MANILA, Philippines - Nagpasikat ang kabayong Some Like It Hot matapos sorpresahin ang mga kalaban sa nilahukang karera noong Martes sa bakuran ng Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Ang hinete ay si Al Gamboa na nagawang sabayan ng Some Like It Hot ang malakas na ayre na ipinakita ng Okay Approve bago tumodo pagpasok sa rekta paÂtungo sa panalo sa isang class division 5 karera sa 1,200 metrong distansya.
Ang halos dalawang dipang layo ng Okay ApproÂve na hawak ni CV Garganta ay madaling nilamon ng Some Like It Hot na nanalo pa ng halos dalawang dipa sa meta.
Dehado ang Some Like It Hot para makapaghatid ng P107.00 sa win, habang ang forecast ay umabot sa P422.50 dibidendo.
Kuminang naman sa hanay ng mga hinete si Mark AlÂvarez na nakasungkit ng dalawang dikit na magaÂganÂdang panalo gamit ang mga kabayong Divine Eagle at Yes Boy.
Kondisyon ang Divine Eagle na hindi pinakawalan ang banderang hawak mula nang buksan ang aparato at nanalo pa ng mahigit na apat na layo sa naghahabol na Apo na hawak ni JA Guce.
Dikitan ang bentahan sa walong kabayo na naglaban sa 3YO Class Division 4 race at nakapaghatid pa ang panalo ng Divine Eagle ng P14.50.
Ang 5-6 forecast ay may P15.00 dibidendo.
Sa sumunod na karera ay kuminang muli si Alvarez sa ibaba ng Yes Boy na patok sa class division 3 race na inilagay sa 1,000m distansya.
Sapat naman ang tulin na naipakita ng Yes Boy para maibsan ang malakas na pagdating ng dehadong Madame Dixie na hawak ni RF Torres.
Nagkamal ang mga dehadista na tumama sa 4-7 forecast ng P194.50, habang ang win ay may P5.50 diÂbidendo.
- Latest