Udomchoke pamumunuan ang Thailand kontra Pinas
MANILA, Philippines - Ibabandera ni Danai Udomchoke ang bibisitang Thai Davis Cuppers na babanggain ang national plaÂyers sa Asia Oceania Zone Group II Davis Cup semiÂfiÂnals sa Plantation Bay Resort at Spa sa Lapu Lapu CiÂty mula Abril 5 hanggang 7.
Ang 31-anyos na si Udomchoke ay isang beteraÂnong manÂlalaro at kumuha ng gintong medalya noong 2006 Asian Games sa Doha, Qatar at 2007 SEA Games sa team event sa Korat, Thailand.
Makakasama sa Thai team ni Udomchoke, may singles ranking na 210 at kumubra ng premyong $1,011,466.00, sina Wishaya Trongcharoenchaikul, NutÂtanon Kadchapanan at Pruchya Isarow.
Galing ang koponan mula sa 4-1 panalo sa Kuwait, pero si Kittiphong Wachiramanowong na ranked No. 647 sa mundo, ay hindi makakasama sa koponan at pinalitan ni Wishaya na 913 ranked netter.
Sina Ruben Gonzales (826) at Treat Huey ang babandera sa Pilipinas at isinama sa koponan ang beteraÂnong si Johnny Arcilla at Francis Casey Alcantara.
Ang mananalo ay aabante sa Finals laban sa maÂngiÂngibabaw sa pagitan ng Pakistan at New Zealand muÂla Setyembre 13 hanggang 15.
Ang magdodominang bansa sa Group II ay aakyat sa Group I sa 2014 habang ang matatalong bansa ay maÂnanatili sa grupo sa susunod na taon.
Sa Abril 4 gagawin ang draw ceremony habang ang opening singles ay itinakda kinabukasan at ang unang laro ay mangyayari sa ganap na alas-3:30 ng haÂpon.
Ang doubles ay gagawin sa Sabado sa ganap na alas-6 ng gabi, habang ang reversed singles ay itiÂnakda sa Linggo mula alas-3:30 ng hapon.
- Latest