Puwestuhan na sa NBA playoffs
Ngsisimula nang magpuwestuhan ang mga teams sa NBA para sa playoffs.
Walang dudang nagiging malaking factor ang mga injuries sa ibang teams habang ang iba ay namama-yagpag papasok sa huling bahagi ng regular season.
Base sa team standings, nangunguna ang San Antonio Spurs hindi lamang sa Southwest division o sa Western Conference kundi sa buong liga kaya walang dudang papasok sila sa susunod na round.
Si Tony Parker ang malaking susi para maabot ng Spurs ang kanilang kinalalagyan ngayon.
Siya ang nangunguna sa points at assists per game sa San Antonio at paborito para sa MVP.
Ang problema, nagka-injury si Parker. Kaila-ngang maging okay na si Parker bago mag-playoffs, kung hindi……
Patok din ang LA Clippers na lider sa Pacific Division at ang Oklahoma City na nangunguna naman sa Northwest Division.
Sa Eastern Conference, namamayagpag ngayon ang Miami na bumabandera sa Southeast Division matapos magtala ng 14-sunod na panalo.
Sa ngayon, ang Heat ay may 7.0 game lead sa East dahil na rin sa kakaibang paglalaro ni LeBron James at inaasahang magpapatuloy ito.
Di malayong maidedepensa nila ang kanilang NBA title, huwag lang sana dapuan ng sumpa ng injuries at manlamig ang kanilang mainit na kampanya.
Palaban din ang New York Knicks na nasa unahan ng Atlantic Division gayundin ang Indiana na nangunguna sa Central Division.
Ang Lakers….. hayyyy, ang Lakers…
Bagamat nakakadismaya ang kasalukuyang kampanya ng Lakers, may tsansa pa ring pumasok sila sa playoff sa patuloy na pagpupursigi ni Kobe Bryant.
Hindi man maganda ang sitwasyon ngayon ng Lakers, hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil may tsansa pang humabol ang tropa ni Kobe.
- Latest