Lady Archers lumapit sa UAAP crown
Laro sa Miyerkules
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
2 p.m. NU vs FEU (men’s)
4 p.m. La Salle vs Ateneo (women’s)
MANILA, Philippines - Isinantabi ng La Salle ang maagang pamamaÂyagpag ng Ateneo patungo sa 20-25, 17-25, 25-22, 25-22, 15-6 panalo sa Game One ng UAAP women’s volleyball Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Pinatahimik ng Lady ArÂchers ang nag-iingay na panatiko ng Lady Eagles nang umatake at sa ikaÂlawang pagkakataon sa tatlong pagkikita ay hiÂniya nila ang mortal na kaÂribal.
“Ang sinabi ko lang sa kanila ay relax lang dahil ang crowd ang nagpapaÂlaÂkas sa kalaban at hindi ang kalaban,†wika ni LaÂdy Archers coach Ramil de Jesus na sinungkit ang ika-15 sunod na panalo para kunin ang ikatlong suÂnod na titulo ng La Salle sa Miyerkules.
Kinamada lahat ni VicÂtorana Galang ang 17 puntos sa kills, habang sina Michelle Gumabao, Mika Reyes at Abigail Maraño ay naghatid ng 41 puntos.
Sina Galang at Gumabao ay nagsanib sa 30 puntos sa atake para ibigay sa La Salle ang 62-40 kalamangan.
Sina Reyes at Maraño ay may apat at tatlong blocks patungo sa 10-4 bentahe sa departamento at ang mga ito ang pumawi sa 48 errors na ginawa sa laro.
Sina Alyssa Valdez at Fille Cainglet ay may 17 at 14 puntos, ngunit napatahimik sila nang lumabas ang height advantage ng katunggali.
Bumangon ang National University mula sa pagkatalo sa unang dalawang sets para sa 16-25, 18-25, 25-13, 25-17, 15-8 tagumpay sa nagdedepenÂsang kampeong FEU sa men’s Finals.
- Latest

















