Mixers wagi sa Batang Pier
MANILA, Philippines - Inangkin ng nagdedepensang San Mig Coffee ang kanilang ikalawang suÂnod na panalo matapos talunin ang Globalport, 91-84, sa elimination round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup sa NaÂga City Coliseum sa CaÂmarines Sur kagabi.
Nalagpasan ng MiÂxers ang pamamayagpag ni Gary David sa panig ng Batang Pier sa final canto patungo sa kanilang panalo.
Matapos makabangon sa isang 23-point deficit sa first half ang Globalport, kumamada naman si PJ Simon sa fourth quarter para ibigay sa San Mig Coffee ang 74-56 bentahe sa 10:45 ng laro.
Huling nakalapit ang Batang Pier sa 77-84 buhat sa dalawang freeÂthrows ni David sa 1:42 ng laro kasunod ang three-point shot ni James Yap para sa 87-77 abante ng Mixers sa natitirang 49.2 segundo sa laban.
Samantala, ambisyon ng Petron Blaze at Rain or Shine na ipagpatuloy ang pangalawa at pangatlong pinakamahabang winning streaks sa conference.
Makakabanggaan ng Boosters ang Barako Bull ngayong alas--4:15 ng hapon, samantalang ang nabuhayang Ginebra naman ang makakatapat ng Elasto Painters sa alas-7:30 ng gabi.
Bukod sa ipagpatuloy ang kanilang four-game at three-game winning streaks, nais din ng Petron Blaze at Rain or Shine na panatilihing nakabuntot sa Alaska.
Kontra sa Energy CoÂla, gustong ulitin ng BoosÂters ang ng depensang ipinakita nila nang talunin ang Air21 Express, 60-53, noong Biyernes, ang paÂrehong naging dahilan kung bakit tinambakan ng Ginebra ang Barako Bull, 93-72, noong MiyerÂkules.
Bago ang panalong iyon sa Air21, ang Petron Blaze ang No. 1 sa sa opensa sa kanilang 95.8 ppg average.
“We told our guys I don’t care if we have a low scoring game as long as we make stops on the defensive end,†ani Petron Blaze head coach Olsen Racela.
San Mig Coffee 91 - Simon 19, Bowles 18, Yap 15, Devance 15, Mallari 9, Barroca 8, Pingris 3, Najorda 2, De Ocampo 2, Gaco 0, Ponferada 0.
Globalport 84 - David 27, Aguilar 21, Mercado19 Williams 11, Yee 3, Lingganay 2, Salvador 1, Miller 0, Deutchman 0, Mandani 0, Adducul 0.
Quarterscores: 27-15; 46-33; 68-56; 91-84.
- Latest




















