So pasok sa 2700 ELO rating
MANILA, Philippines - Hinirang si Wesley So bilang kauna-unahang Filipino chess player na nakapasok sa 2700 ELO rating.
Kasalukuyang kumakampanya ang Grandmaster na si So sa 28th Reykjavik Open Chess Championships sa Harpa, ang 28,000 sqm concert hall sa Reykjavik, Iceland.
Tinalo ni So si GM Marcin Dziuba ng Poland sa 41 sulungan ng Caro-Kann defense para manatiling kasalo ang Pinoy chess wizard sa liderato.
May 7.5 puntos na si So para makapantay si Ukraine GM Pavel Eljanov papasok sa ikasampu at huling round ng torneo.
Ang panalo ay nagtulak kay So para magkaroon na ng 2768 ELO rating at makagawa ng kasaysayan sa Pilipinas.
“Wesley is the first Filipino chess player to reach the 2700 ELO ra-tings,†masayang sinabi ng pangulo ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na si Prospero Pichay.
Umaasa si Pichay na dagdag inspirasyon ito ni So sa kanyang pagharap kay Eljanov sa pagtatapos ng torneo.
“We hope Wesley will be more inspired with this achievement. Sana ay manalo siya kay Eljanov para makuha rin niya ang kanyang first major title this year,†dagdag ni Pichay na naninilbihan din bilang auditor sa Phili-ppine Olympic Committee (POC).
Si Eljanov na may ELO rating na 2678, ay nanalo kay GM Ding Liren (ELO 2709) ng China sa huling laro.
Puting piyesa ang gagamitin ni Eljanov sa laban nila ni So na kung saan ang mananalo ang kikilalaning kampeon ng torneo.
Ginagamit ni So ang torneong ito bilang bahagi ng kanyang pagha-handa para sa 2013 World Chess Cup sa Tromso, Norway mula Agosto 10 hanggang Setyembre 5.
Makakasama ni So sa Norway si GM Oliver Barbosa.
- Latest