^

PM Sports

NLEX nakauna

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Trinangkuhan ni 6’6” center Ian Sangalang ang inside game habang si Borgie Hermida ang nagpatakbo sa opensa upang ang inakalang dikitang labanan sa pagitan ng NLEX at Cagayan Valley sa PBA D-League Aspirants’ Cup ay nauwi sa 87-63 demo-lisyon kahapon na nilaro sa Ateneo Gym sa Katipunan, Quezon City.

Si Sangalang ay mayroong 15 puntos sa 7-of-11 shooting, bukod sa 8 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks habang ang beteranong si Hermida ay naghatid ng 10 puntos at 11 assists.

Ang gunner na si Garvo Lanete ay iniskor ang lahat ng 10 puntos sa laro sa unang yugto na nakitaan ng paglayo ng Road Warriors sa 22-12, habang ang mga hari ng court noong naglalaro pa sa Ateneo na sina Nico Salva at Greg Slaughter ay nagtambal sa 21 puntos na karamihan ay ibinagsak sa second half.

“We started well kaya siguro bumaba ang kanilang energy level. But we only won one game, we still have to wrap it up and we still have to prepare for Tuesday,” ani coach Boyet Fernandez.

Makulimlim ang laro ng Rising Suns at anino lamang sila ng koponang pinatalsik ang beteranong Blackwater Sports sa semifinals. 

 

vuukle comment

ATENEO GYM

BLACKWATER SPORTS

BORGIE HERMIDA

BOYET FERNANDEZ

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE ASPIRANTS

GARVO LANETE

GREG SLAUGHTER

IAN SANGALANG

NICO SALVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with