^

PM Sports

Seeing Lohrke ipinanalo ni jockey WC Utalla

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginulat ng apprentice rider WC Utalla ang mga beteranong karibal nang ihatid sa panalo ang Seeing Lohrke noong Miyerkules ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Walang naging  masamang epekto ang mahinang alis ng kabayo sa aparato nang kakitaan ng lakas sa rematehan upang manalo sa hamon ng Elgin And Chairman at Just For Keeps na siyang patok sa karera.

Nalagay sa pangalawa sa bugaw sa class division 1 race na pinaglabanan sa 1,400m distansya ang kabayong may lahing Account Of Grace at Audrey Savings ngunit sa pagtitiyaga sa paggabay ng apprentice jockey ay lumabas ang tulin at kunin ang unang panalo sa taon.

Ang di inaasahang panalo ay nagpasok ng P241.00 dibidendo sa win  habang ang 6-5 forecast ay mayroong P590.50 dibidendo.

Samantala, nagpasikat ang mga naliyamadong Don Albertini at Big Boy Vito na siyang hinirang bilang outstanding favorites sa nilahukang karera.

Si Val Dilema ang dumiskarte sa Don Albertini na tinapos ang dalawang dikit na segundo puwestong pagtatapos makaraang manaig sa 3YO Maiden 2 race sa 1,400m distansya.

Pangalawa lamang ang Undisputable na sakay ni AR Villegas pero nahigitan naman ng hinete ang pa-ngatlong puwestong pagtatapos na naipakita ng da-ting hinete na si YL Bautista noong Pebrero 3.

 

vuukle comment

ACCOUNT OF GRACE

AUDREY SAVINGS

BAUTISTA

BIG BOY VITO

DON ALBERTINI

ELGIN AND CHAIRMAN

JUST FOR KEEPS

SAN LAZARO LEISURE PARK

SEEING LOHRKE

SI VAL DILEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with