^

PM Sports

Bustamante nalo sa 9-ball ng Derby City Classic

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinalo ni Francisco ‘Django’ Bustamante si Justin Hall ng US, 5-3 para pagharian ang 15th Annual Derby City Classic 9-ball banks na nangyari kamakailan sa Horseshow Casino and Hotel sa Elizabeth Indiana, USA.

Kinailangan muna ni Bustamante na kalusin si Shannon Murphy sa semifinals sa larong nakauna si Murphy sa race-to-five sa 2-0 pero winalis ng Filipino pool player ang sumunod na tatlong laro para makarating sa finals.

Kinaharap ni Murphy ang naka-bye na si Hall at nanalo ang huli, 3-1, para itakda ang finals.

Hindi naman napahirapan si Bustamante dahil angat agad siya sa 2-0 at kahit nakaisa si Hill sa game three ay hindi na nagpabaya pa si Bustamante nang mabigyan ng  pagkakataon tungo sa panalo.

Lalabas si Bustamante bilang kauna-unahang Pinoy cue artist na nakatikim ng panalo sa taong ito at palaban din  siya sa One-Pocket.

Pinuri naman si Aristeo Puyat ang ipinakita ni Bustamante na kanyang sinasandalan na magtutuluy-tuloy pa.

“Once again Bustamante has brought honors to the country with this victory,” wika ni Puyat.

 

ANNUAL DERBY CITY CLASSIC

ARISTEO PUYAT

BUSTAMANTE

DJANGO

ELIZABETH INDIANA

HORSESHOW CASINO AND HOTEL

JUSTIN HALL

KINAHARAP

KINAILANGAN

SHANNON MURPHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with