Dugo’s Sprite napasama sa mga nanalo sa Santa Ana
MANILA, Philippines - Napanatili ni jockey Jeff Bacaycay ang magandang porma ng kabayong Dugo’s Sprite nang masama sa mga nagwagi sa pagtatapos ng pista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sa isang Handicap Race (12) sa 1,200m distansya kuÂmarera ang nasabing kabayo at naipamalas ng tamÂbaÂlan ang angking husay nang manalo sa hamon ng Fireworks.
Kapwa galing sa panalo ang dalawang kabayong duÂmating at nakuha ng Dugo’s Sprite ang ikalawang diÂkit na panalo matapos ang apat na takbo sa buwan ng Enero.
Umabot pa sa P20.50 ang dibidendo ng panalo ng Dugo’s Sprite, habang P74.00 ang ibinigay sa nadehado pang 4-7 forecast.
Sa race four naitala ang pinakadehadong panalo nang makapanggulat ang Boss General sa Handicap Race (4) sa pinaglabanang 1,200m distansya.
Hindi napigil ang malakas na pagdating ng kabaÂyong diniskartehan ni JT Pescuiso na siyang ikatlong hiÂnete ng kabayo sa huling apat na takbo.
Mula sa ikalimang puwesto ay bumulusok ang kaÂbayo para manalo pa ng halos limang dipa sa pumaÂngalawa at rumemate ring Hymnless bago sumunod ang I Survived at ang Boy Pick Up na umangat ng dalawang dipa.
Nasa P114.00 ang ibinigay na dibidendo sa win ng Boss General na nanalo sa unang takbo sa taon, haÂbang P452.00 ang ibinigay sa 6-4 forecast.
- Latest