^

PM Sports

Tac Padilla pinag-iisipan ang PNSA presidency

AC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinabi ni Nathaniel ‘Tac’ Padilla kahapon na maaaring kunin niya ang pagkapangulo ng Philippine National Shooting Association (PNSA)... o maaaring hindi.

“No plans yet as of now,” sabi ng 47-gulang na icon ng Philippine shooting.

Tinanong si Padilla kung may plano siyang tumakbo bilang presidente ng PNSA matapos lumabas ang mga balita na ayaw nang tumakbo ng kasalukuyang president na si Mikee Romero.

Nahalal si Romero, na nasa basketball, shooting, polo at ilang  negosyo, bilang PNSA president noong June 2011 upang ituloy ang naputol na term ng nagbitiw na presidente na si Art Macapagal.

Maari nang tumakbo si Romero, may-ari ng multi-titled Harbour Center basketball team sa Philippine Basketball League, para sa four-year term ngayong taon ngunit sinabi niyang nais niyang bigyan ng pagkakataon ang iba.

“I will be doing a disservice to the association if I continue to cling to my position while I’m out (of the country) most of the time,” sabi ni Romero.

Matapos magbitiw bilang PNSA president si Macapagal, half-brother ni dating President Gloria M. Arroyo, tumugon si Romero sa mga panawagan na pamunuan niya ang shooting association.

Nais sanang labanan noon ni Padilla si Romero noon, ngunit hindi na lamang niya itinuloy ito at pinamunuan na lamang niya ang  grassroots development program ng PNSA.

 

ART MACAPAGAL

HARBOUR CENTER

MAARI

MACAPAGAL

MIKEE ROMERO

PADILLA

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

PHILIPPINE NATIONAL SHOOTING ASSOCIATION

PRESIDENT GLORIA M

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with