Arum gustong makasiguro sa kondisyon ni Pacquiao
MANILA, Philippines - Matapos patunayan ng kanyang personal physician na walang anumang sintomas ng Parkinson’s disease si Manny Pacquiao, gusto naman ni promoter Bob Arum na sumailalim ang Filipino boxing superstar sa isang klinika sa United States.
Sa panayam ng The Ring, sinabi ni Arum ng Top Rank Promotions na irerekomenda niya sa Filipino world eight-division champion na magpatingin sa Lou Ruvo Center for Brain Health ng Cleveland Clinic.
“When I talk to Manny, I’ll recommend that he gets a thorough checkup at the Lou Ruvo Clinic’s brain center,†wika ni Arum.
Ang naturang pasilidad ay may mga imahe na ng mga professional boxers at mixed martial artists.
“They’re the best in the world. My wife is on the board of directors, and I think that for those of us who realize that boxing is just a way-stop for Manny Pacquiao’s life and career, that it pays to be over-cautious,†ani Arum sa Lou Ruvo Center for Brain Health.
Kamakalawa ay sinuri ni Dr. Regina Bagsic, ang personal physician ni Pacquiao, at Dr. Roland Dominic Jamora, isang neurologist na dating namuno sa Movement Disorder Center ng St. Luke Medical Center, ang Sarangani Congressman.
Sinabi nina Bagsic at Jamora na wala silang nakitang sintomas ng Parkinson’s disease kay Pacquiao.
Ito ay taliwas sa naunang komento nina nuerologist Dr. Rustico Jimenez at forensic pathologist Dr. Raquel Fortun kaugnay sa kanilang obserbasyon sa mga panayam kay Pacquiao sa telebisyon.
Nauna na ring sumailalim si Pacquiao sa MRI sa Cardinal Santos Medical Center sa Maynila kung saan siya napatuna-yang negatibo sa anumang head injuries apat na araw matapos ang sixth-round KO loss niya kay Juan Manuel Marquez noong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
- Latest