^

PM Sports

Blessing si bless

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Sa pagbisita ng aming pamilya sa isang maliit na barrio ng munisipalidad ng Banayoyo sa Ilocos Sur, tumibay sa aking isipan na ang sports ay talagang par­­te ng kulturang Pilipino.

Bumiyahe kami lagpas 10 oras mula Manila bago marating ang Barrio Banbanaal – bulubundukin at loob na parte ng Banayoyo, humigit kulang 50 kilometers sa south ng Vigan.

Pagtatanim ng tabako at mais ang pangunahing ka­buhayan sa lugar na pansin ang kaliitan ng populasyon.

Ngunit hindi hadlang ang maliit na pamayanan upang hindi maging aktibo sa larangan ng palakasan.

Parte ng kanilang holiday celebrations ang inter-sitio volleyball competition na nilahukan ng aming host na si Bless Garnace.

Si Bless ay tunay na blessing sa kaniyang pamil­ya at naging blessing na rin sa aming pamilya dahil na­katakda na siyang makaisang dibdib ang aking bro­ther-in-law na si Reinier Prudente.

Sa tulong ng Maykapal, pihong bubuo ng sarili ni­lang nagmamahalang pamilya ang dalawa – pawang board topnotchers na pareho na ngayong batikang Lon­don-based accountants.

Lubhang masaya ang aming two-night stay sa ta­ha­nan nila Bless, at maraming salamat sa mainit na pag­tanggap ng Garnace family sa pangunguna ni tatay Baldomero at nanay Priscilla.

***

Welcome sa marami ang pagkakahirang kay Alfrancis Chua bilang bagong head coach ng Barangay Ginebra Kings.

Ang sapantaha ay mas malayong swak ang cha­racter ni Chua kaysa kay Siot Tanquingcen na hu­ma­wak ng manubela ng Ginebra.

Si Chua ay ang pang-anim na gigiya sa Ginebra pagkatapos ng Jaworski era. Susunod siya kina Rino Salazar, Allan Caidic, Jong Uichico at Tanquingcen.

Hindi nakahugot ng kampeonato sa kanyang pag­hawak ng koponan ng Tanduay at Sta. Lucia Rea­lty ngunit nakabuo siya ng reputasyon bilang “pla­yer coach.”

Sa kanya tumaya ang San Miguel Corp. sa naisin nito na tapusin ang five-year title-drought ng Ginebra.

Of course, may pressure siyang mag-deliver ngu­nit meron naman siyang materyales para makamit ang mithiin.

Isa ang Ginebra sa mga pre-season favorites sa kasalukuyang bakbakan sa PBA dahil sa mga trade acquisitions at premyadong rookie picks na nakuha ng koponan.

Ang patuloy na underperformance ng koponan ang siguradong nagbunsod na muling ma-demote si Tanquingcen.

 

ALFRANCIS CHUA

ALLAN CAIDIC

BANAYOYO

BARANGAY GINEBRA KINGS

BARRIO BANBANAAL

BLESS GARNACE

GINEBRA

ILOCOS SUR

JONG UICHICO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with