Dagitab babandera sa Maiden Race
MANILA, Philippines — Magtatagisan ng bilis ang 11 tigasing kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Kabilang sa paparada sa pista ang Dagitab na sasakyan ni Conrad Henson at Zsa Zsa na gagabayan ni PSA Jockey of the Year Jonathan Basco Hernandez.
Ang ibang makikipag-unahan hanggang sa meta ay ang Classic Fame, Cant Touch It, Bakunawa, Skeleton Crew, Stardom, Rock Steady, Leeson Street, Transaction at Malagu na rerendahan ni jockey Jerico Serrano.
Base sa komento ng mga karerista sa social media, posibleng magpakitang gilas ang kalahok na Stardom at Transaction sa karerang may distansya na 1,400 meter race.
Isa pang aabangan ng mga karerista ay ang labanan ng 12 na kabayo sa Philracom Rating Based Handicapping System sa 1,400 meter race.
Nasa listahan ang Open Billing, Storm Landing, Tasha, Circle Of Love, Frosty Raven, Sexy Bomb, Gintong Hari, Brown Pirate, Thisgirlisonfire, Cluster, Shade Green at Amica.
- Latest















