^

PM Sports

Super Horse ang Hagdang Bato

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tunay na ‘super horse’ ang Hagdang Bato sa 2012.

Hindi inintindi ng kabayong sakay ni jockey Jonathan Hernandez ang mahabang distansya na 2,000m nang magbanderang-tapos ang Hagdang Bato tungo sa paghablot ng 2012 Philracom Grand Derby Stakes race.

Ito ang huling stakes race na pinaglabanan sa taong ito na ginawa kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Car­mona, Cavite at nasa kondisyon ang nagdominang ka­bayo na may lahing Quaker Ridge sa Fire Down Under na iniwan ang mga katunggali sa backstretch tungo sa dominanteng panalo.

Hindi na kinailangan ni Hernandez na gumamit pa ng latigo at nakapirmis siyang nakapuwesto dahil kusang tumulin ang premyadong kabayo na pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos tungo sa halos walong dipang  panalo sa Chevrome.

Ito ang ikalawang stakes win ng Hagdang Bato sa buwan ng Disyembre para tapusin ang taon na hindi natalo matapos ang 11 takbo.

Ang marka ang ikalawang pinakamatindi na nakita sa  horse racing kasunod ng 12-0 karta  ng Real Spicy noong 2006. Balik-taya ang nangyari sa mga nanalig sa Hagdang Bato, habang tambalan sa forecast na 4-3 ay may P10.00 dibidendo.

Naunang nagpasikat sa huling araw ng karera sa taon sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. ay ang imported horse na Juggling Act na inangkin ang 2nd Vice President Jejomar Binay Cup na inilagay sa 1,750m distansya.

Nahawakan ng nanalong kabayo ang balya para ma­kaalagwa sa mga naunang naglalaban-laban na Mag­na Carta, Botbo, Tensile Strength at Hari Ng Yambo tungo sa panalo.

Ang napaborang Magna Carta ay tumapos na la­mang sa ikalimang puwesto matapos ang Botbo, Right­hererightnow at Tensile Strength.

Ang karerang ito na sinahugan ng P1 milyong kabu­uang premyo ay para sa Alay sa Kawal Foundation na tumutulong sa  pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga sundalo.

Nagpasok ang win ng Juggling Act ng P24.50 habang ang 3-7 forecast ay mayroong P300.00 dibidendo.

vuukle comment

BOTBO

FIRE DOWN UNDER

HAGDANG BATO

HARI NG YAMBO

JONATHAN HERNANDEZ

JUGGLING ACT

KAWAL FOUNDATION

MAGNA CARTA

TENSILE STRENGTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with