^

PM Sports

Fisher pinakawalan ng Mavericks

Pang-masa

DALLAS -- Pinakawalan ng Dallas Mavericks si Derek Fisher mula na rin sa kahilingan ng veteran guard na nagsabing nahihirapan siyang mawalay sa kanyang pamilya na nasa Los Angeles.

Inihayag ng Mavericks ang balita apat na araw matapos magkaroon ang 38-anyos na si Fisher ng isang strained tendon sa kanyang kanang tuhod sa kanilang laro kontra sa Philadelphia.

Si Fisher, isang 16-year veteran na may limang NBA championships sa Los Angeles Lakers, ay isang free agent nang papirmahin ng Mavericks dahil sa nagka-injury ang kanilang mga players.

Para sa Dallas, naglista si Fisher ng mga averages na 8.6 points at 3.6 assists sa siyam na laro,

Sa isang statement, sinabi ni Fisher na halos dalawang linggo niyang pagagalingin ang kanyang napuwersang tuhod at gusto na niyang umuwi.

Pinasalamatan ni Fisher si Mavericks owner Mark Cuban dahil sa pagpayag sa kanyang kahilingan.

“I have made decisions in the past, leaving money and opportunity on the table, and I will need to do that again,’’ sabi ni Fisher. “My family is my priority and that is where I choose to be.’’

Si Darren Collison ang gumiya sa Dallas sa 16 laro bilang point guard bago nila nakuha si Fisher.

Si Rodrigue Beaubois ang ikatlong point guard para sa Mavericks.

 

DALLAS MAVERICKS

DEREK FISHER

FISHER

INIHAYAG

LOS ANGELES

LOS ANGELES LAKERS

MARK CUBAN

SI DARREN COLLISON

SI FISHER

SI RODRIGUE BEAUBOIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with