^

PM Sports

La Salle nangunguna pa rin sa karera para sa UAAP general championship

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nananatiling lider ang De La Salle Uni­versity sa overall race sa colle­giate division sa Season 75 ng UAAP.

Tumapos sa ikatlong puwesto sa men’s athletics at men’s at women’s sa fencing bukod pa sa pang-apat sa wo­men’s athletics, ang Green Archers ay nakalikom ng 190 points ma­tapos ang 18 events.

Abante pa ng apat na puntos ang La Salle laban sa UST na na­pag-iiwanan ng apat na puntos  (186) .

Humataw naman ang Growling Ti­gers sa apat na laro sa second semester.

Pumangalawa ang UST sa men’s ath­letics at women’s fencing, pumangatlo sa women’s athletics at pumang-apat sa men’s fencing para pagtibayin ang pag­hahabol sa ika-15 sunod na general championship at pang-40 sa kabuuan.

Ang FEU, winalis ang men’s at wo­men’s division sa athletics, ang nasa ikat­long puwesto bitbit ang 137 points ka­sunod ang Ateneo na nasa ikaapat na pu­westo (133 points) mula sa pangala­wang puwesto ng women’s fencers.

Bumaba ang UP (128 points) sa No. 5 spot mula sa ikatlong puwesto sa pagtatapos ng first semester kasunod ang UE (107 points) na nagkampeon sa fencing event sa itaas ng host National University (73 points) at Adamson (55 points).

ABANTE

DE LA SALLE UNI

GREEN ARCHERS

GROWLING TI

LA SALLE

MEN

NATIONAL UNIVERSITY

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with