^

PM Sports

Pacquiao clear sa MRI

Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na araw matapos ma-knockout kay Juan Manuel Marquez, natanggap ng Filipino boxing icon at Sarangani Congressman Manny Pacquiao ang go-signal mula sa kanyang mga doktor na magpatuloy sa kanyang sports activities.

Sumailalim si Pacquiao sa magnetic resonance imaging (MRI) test sa San Juan City para ma-check kung mayroon siyang pinsala sa ulo at katawan, ayon sa ulat ng  dzBB kahapon ng umaga.

Nagtungo siya sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City noong Huwebes at nagpa-MRI exam para siguraduhing wala siyang natamong injury matapos ang kanyang pagkatalo kay Marquez.

Sa ulat naman ng ‘Saksi,’ sinabi ni Pacquiao na nagpa-MRI nga siya para sa kanyang ulo at  cervical spine.

“Everything is okay, no problem, masayang-masaya,” sabi ni Pacquiao pagkatapos ng ginawang pagsusuri.

Sinabi rin ni Pacquiao  na kumpiyansa siyang makakabawi siya sa kanyang pagbagsak sa ranking.

“Hindi pa tapos ang lahat, pwede pa tayong luma-ban uli. Ang boxing hindi naman forever ka doon sa taas,” ani Pacquiao. “At least nakapagbigay tayo ng record na hindi makakalimutan sa history ng boxing, eight divisions.”

 

vuukle comment

APAT

CARDINAL SANTOS MEDICAL CENTER

HUWEBES

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

NAGTUNGO

PACQUIAO

SAKSI

SAN JUAN CITY

SARANGANI CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with