^

PM Sports

Azkals paghahandaan ang 2014 AFC Challenge Cup

Olmin Leyba - Pang-masa

SINGAPORE – Ang kampanya ng Philippine Azkals para sa 2015 AFC Asian Cup ay magsisimula sa kanilang paglahok sa qualifying tournament sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maynila.

Ang Azkals ay kasama ng Turkmenistan, Cambodia at Brunei sa Group E.

Puntirya ng Azkals na makuha ang tiket patungo sa fi­nal round ng Challenge Cup sa Maldives sa 2014.

Ang bawat mananalo sa limang grupo at ang dalawang best second-placers sa qualification phase ang mag­lalaro sa naturang torneo sa Marso 8-23, 2014 sa Maldives.

“It’s unfortunate that only one team will go through in the group, although we can hope for the best second and Turkmenistan was a finalist in the last sta­ging so it’s going to be a tough game for us,” sabi ni team manager Dan Palami.

Ang maghahari sa 2014 Challenge Cup ang makakahugot ng silya para sa Asian Cup kasama ang Asian champion Japan, 2011 third placer South Korea, 2011 runner-up at host Australia at ang 2012 Challenge Cup titlist North Korea.

Ang Challenge Cup qualifiers na inaasahang idaraos sa Rizal Memorial Football Stadium ay nakatakda sa Marso 2-6, 2013.

Makakalaban ng Azkals ang Turkmenistan, ang tro­pang bumigo sa kanila sa semifinal round ng na­ka­raang Challenge Cup maliban pa sa Cambodia, nag­tulak sa kanila sa isang scoreless draw sa isang frien­dly bago ang 2012 Suzuki Cup, at ang kanilang ka­ribal sa SEAG na Brunei.

Hihilingin ng Azkals sa AFC na maitakda ang torneo sa Marso 22-26 para maihanda ang stadium.

“Hopefully, the schedule will also fit the professional players,” wika ni Palami.

ANG AZKALS

ANG CHALLENGE CUP

ASIAN CUP

AZKALS

BRUNEI

CHALLENGE CUP

CUP

MARSO

SHY

TURKMENISTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with