Jackson ng Spurs pinagmulta ng $25K dahil sa kanyang pagbabanta sa Twitter kay Ibaka
NEW YORK -- Pinagmulta si San Antonio Spurs forward Stephen Jackson ng $25,000 ng NBA nitong Linggo matapos bantaan si Serge Ibaka ng Oklahoma City sa kanyang message post sa Twitter.
Nag-post si Jackson sa Twitter matapos magkagirian sina Ibaka at Los Angeles Lakers forward Metta World Peace sa fourth quarter ng 114-108 panalo ng Thunder noong Biyernes.
Binura na ang post ngunit nabalita at kumalat na ito.
“Somebody tell serg Abaka. He aint bout dis life. Next time he run up on me im goin in his mouth. That’s a promise. He doin 2 much,” ang post ini Jackson.
“The recent public comments made by Stephen Jackson are absolutely unacceptable, cannot be tole-rated and do not reflect the standards held by the San Antonio Spurs,’’ sabi ni Spurs general manager RC Buford nitong Linggo sa in-email na statement.
Ayon sa team, pagmumultahin rin nila si Jackson ngunit ito ay ikokonsulta pa nila sa NBA.’’
Hindi pa malinaw kung may karagdagang parusa si Jackson mula sa San Antonio bukod sa NBA fine.
Humingi ng paumanhin si Jackson kay Ibaka sa Twitter nitong Linggo at sinabi niya na ‘unprofessional and childish’ ang kanyang ginawa.
- Latest