^

PM Sports

Jinkee at Mommy Dionisia pinagreretiro na si Pacquiao

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asa­han, muling hiniling kay Manny Pacquiao ng kan­yang asawang si Jinkee Pacquiao at inang si Mommy Dionisia na mag­retiro na sa pagbobok­sing.

“Kung ako lang talaga ang tatanungin, gusto ko nang mag-retire si Manny,” wika ni Jinkee sa isang panayam kahapon.

Pinabagsak ni Juan Ma­nuel Marquez si Pacquiao sa sixth round sa ka­nilang pang-apat na pag­haharap sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ilang minutong nanatiling nakadapa ang Sa­ra­n­­gani Congressman ma­ka­raaang tamaan ng right hand ni Marquez.

Sa panayam naman ng Radio dzMM, napaiyak si Mommy Dionisia nang ma­talo si Pacquiao.

“Tama na. Kung ako mag­dedesisyon, gusto ko nang magpahinga siya,” wi­ka ni Mommy Dionisia.

Ayon kay Mommy Dio­nisia, mas mabuti pang tutukan na lamang ni Pacquiao ang kanyang tra­baho bilang Congressman ng Sarangani.

Sa social media, nagu­lantang ang mga Pinoy nang mapanood ang ka­biguan ni Pacquiao.

Ang hashtag na #Ma­naloMataloManYoureStillTheBestPacman ang na­nguna sa trending topics sa Pilipinas, samantalang ang #FilipinoPride ang top trending topic sa buong mundo.

“Heartbreaking. First time ko s’ya nakitang na KO,” sabi ni Twitter user @deSuperDee.

“Nakakasad naman ang nangyari kay Pacquiao,” ani Christian Patiga sa Twitter.

vuukle comment

CHRISTIAN PATIGA

JINKEE PACQUIAO

JUAN MA

LAS VEGAS

MARQUEZ

MOMMY DIO

MOMMY DIONISIA

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with