Walang naging problema sa tuhod si Rubio sa kanyang unang ensayo
MINNEAPOLIS – Sa isang bahagi ng unang totoong ensayo ni Ricky Rubio matapos matengga ng siyam na buwan, pinadaan niya ang bola sa mga binti ng bumabantay sa kanyang si Josh Howard para ipasa sa open niyang teammate.


Matatagalan pa na bumalik sa dating bilis ang kanyang naoperahang tuhod. Ang kanyang instincts at court vision na dahilan kaya siya naging krusyal na bahagi ng pagbangon ng Minnesota Timberwolves ay hindi naman nawala sa tingin ni coach Rick Adelman.


Pagkatapos ng kanyang ensayo sa unang pagkakataon, sinabi niyang maganda naman ang kanyang pakiramdam sa kanyang tuhod.
Wala pa ring timetable para sa kanyang unang laro at sinisikap ni Rubio na maging matiyaga para masi-guro na handa na siyang lubusan kapag nagbalik-laro na siya matapos matamo ang major injury sa kanyang buong career.
‘’After a long time, I’m on the court again,’’ sabi ni Rubio. “It felt pretty good to start knowing my teammates again.’’


Gulping-gulpi na ang Timberwolves buong season at hindi rin naka-ensayo sina Kevin Love (may sakit), Malcom Lee (singit) at Andrei Kirilenko (back spasms) nitong Linggo. Kapag nakabalik agad si Rubio, mala-king tulong sa team na nagagawa pa rin namang lumaban kahit papaano kahit wala ang kanilang key player.
Nakibahagi si Rubio sa five-on-five work sa practice noong Linggo. Nagpaiwan pa siya at nanatili ng halos isang oras para tumakbo-takbo at mag- catch-and-shoot para bumalik ang dating lakas ng kanyang binti.
- Latest