^

PM Sports

Jockey Pat Dilema inihatid ang Gypsy Genius sa panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ni jockey Pat Dilema ang tamang renda sa Gypsy Genius upang makamit ang mailap na panalo na nangyari noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Dalawang segundo puwestong pagtatapos ang naitala ng tambalan sa dalawa sa huling tatlong takbo pero naniwala ang mga mananaya na sa gabing ito makukuha ng Gypsy Genius ang panalo upang ideklara siyang patok sa walong naglaban sa 3-4YO Maiden-1-2 race na inilagay sa 1,400-metrong distansya.

Unang lumayo ang Gypsy  Genius matapos buksan ang aparato pero agad na humabol at kinuha ang kalama­ngan ng Jaden Song na diniskartehan ngayon ni jockey Ernesto Reyes, Jr.

Lumamang ng halos apat na dipa ang Jaden Song pe­ro hindi nakaapekto ito sa laban ng Gypsy Genius na mu­la sa malayong ikaapat na puwesto ay rumemate para pag­sapit ng huling kurbada ay kapantay na ang naunang nagwawalang Jaden Song.

Sa rekta ay tumodo pa ang Gypsy Genius para manalo pa ng halos apat na dipang layo sa rumemate ring Vice Edward ni Jeffrey Bacaycay.

Pumangatlo ang Montero ni JPA Guce bago duma­ting ang napagod na Jaden’s Song.

Dahil liyamado ay naghatid ang win ng P6.00 habang ang tambalan ng una at ikalawang paborito na 1-8 ay nagkahalaga ng P10.50 dibidendo.

Sinakyan naman ng Graceparkboy ang malakas na pa­nimula para maisantabi ang malakas na pagdating ng napaborang Life Is Beautiful para lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo sa gabi.

Kumarera ang kabayong anak ng Wow sa Her Ma­jesty at ginabayan ni jockey Mark Alvarez sa class division 7-8 at nadehado kahit ang nasabing kabayo ay da­ting tumatakbo sa mas mabigat na class 9-8 at tumapos sa ikatlong puwesto noong Nobyembre 14.

Alagwa agad ang Graceparkboy at pinahabol ang ibang katunggali sa pangunguna ng Coal Harbour na hin­di uma­bot.

Ang Life Is Beautiful na diniskartehan sa karerang ito ng apprentice jockey na si LT Cuadra mula kay Christian Garganta na naipanalo ang kabayo sa huling tatlong takbo sa buwang ito, ay rumemate mula sa ikaapat na puwesto.

Halos kalahating dipa na lamang layo ng Graceparkboy sa Life Is Beautiful ngunit dumating na ang dalawa sa meta para mabigo ang huli na maging perpekto sa buwan ng Nobyembre.

Naghatid ang panalo ng Graceparkboy ng P95.00, habang ang 8-4  forecast ay may P125.00 dibidendo.

ANG LIFE IS BEAUTIFUL

CHRISTIAN GARGANTA

COAL HARBOUR

ERNESTO REYES

GRACEPARKBOY

GYPSY GENIUS

HER MA

JADEN SONG

LIFE IS BEAUTIFUL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with