^

PM Sports

Grizzlies umakyat sa unahanng NBA Power Rankings

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumangon ang Memphis Grizzlies para lampasan ang New York Knicks at angkinin ang top spot sa Yahoo! Sports’ weekly NBA power rankings sa unang pagkakataon ngayong season.

Tinapos ng Grizzlies, ang tanging NBA team na may dalawang kabiguan, ang buwan matapos gibain ang Toronto Raptors at Detroit Pistons.

Noong nakaraang linggo pa sana tumayong No. 1 ang Grizzlies makaraan ang kanilang pananaig kontra sa NewYork. Ngunit natalo sila sa Denver Nuggets noong Nov. 19. Nalaglag naman ang New York sa pang-anim mula sa top spot nang matalo ng tatlo sa kanilang huling apat na laro.

1. Memphis Grizzlies (10-2, dating ranking: third): Pinahalagahan ng Memphis si point guard Michael Conley. Tinalo ng Grizzlies ang Kyrie Irving-less Cavaliers, 84-78, noong Lunes na wala si Conley.

2. Miami Heat (10-3, dating ranking: fourth): Nanalo ang Heat ng apat na sunod at may 6-0 sa sariling balwarte. Maglalaro ang Heat ng walo sa kanilang susunod na siyam na laban sa home court, kasama ang kanilang banggaan ng San Antonio Spurs sa Huwebes.

3. San Antonio Spurs (12-3, dating ranking: sixth): Ang Spurs ay may impresibong 8-1 sa kanilang road games at nanalo ng apat na sunod. Ang San Antonio ang unang koponan na nakapagtala ng 12 tagumpay ngayong season matapos talunin ang Washington noong Lunes.

4. Oklahoma City Thunder (11-4, dating ranking: fifth): Lima sa anim nilang laro ang ipinanalo ng Thunder kung saan nagtala si forward Serge Ibaka ng average career-high  na14.5 points.

5. Brooklyn Nets (9-4, dating ranking: seventh): Nakatikim ang Brooklyn ng malaking home victory noong Lunes kontra sa Knicks.

6. New York Knicks (9-4, dating ranking: first): Matapos ang kanilang NBA-best start, tatlong dikit na kabiguan ang nalasap ng Knicks sa kanilang huling apat na laban. Hindi naglaro si forward Amar’e Stoudemire sa kanilang paghaharap ng Brooklyn.

7. Atlanta Hawks (8-4, dating ranking: 15th): Limang sunod na panalo ang inilista ng Hawks at anim sa kanilang huling pitong laro.

8. Boston Celtics (8-6, dating ranking: 13th): Kahit may edad na ay pang-All-Star pa rin ang  laro nina Paul Pierce at Kevin Garnett.

9. Los Angeles Lakers (7-7, dating ranking: ninth): Mahaharap si Dwight Howard sa dati niyang team na Orlando Magic sa Linggo.

10. Los Angeles Clippers (8-6, dating ranking: second): Natalo ng apat na sunod ang Clippers kabilang ang nakakahiyang home loss sa Anthony Davis-less New Orleans.

ANG SAN ANTONIO

ANG SPURS

ANTHONY DAVIS

ATLANTA HAWKS

DATING

KANILANG

MEMPHIS GRIZZLIES

NEW YORK KNICKS

RANKING

SAN ANTONIO SPURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with