^

PM Sports

Five Star, Spinning Ridge nakapanilat sa MARHO

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakapanilat ang mga kabayong Five Star at Spinning Ridge matapos pagharian ang Philracom-MARHO Cup 2YO Juvenile Fillies at Colts race kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang dalawang karerang ito ay bahagi ng anim na stakes races na nagpasigla sa 17th MARHO Racing Festival at napasaya ng Five Star na sakay ni Jessie Guce at Spinning Ridge na ginabayan ni Val Dilema ang mga dehadista sa nakuhang tagumpay.

Tumimbang ang Five Star sa huling tatlong takbo, lumabas ang husay ng kabayo para layuan  ang nadehado ring Congregation na hawak ni Antonio Alcasid Jr. para sa horse owner na si Leonardo ‘Sandy’ Javier Jr.

Nasa ikalimang puwesto lamang ang nanalong kabayo habang pinagmamasdan ang Cat’s Diamond, Leonidez Might, Ballet Flats at Humble Submission pero noong napag-init na ay hindi na napigil pa tungo sa dominanteng panalo sa 1,600m distansya.

May 1:46.6 winning time ang Five Star, sa kuwartos na 26’, 25’, 26 at 28’, para maghatid ng P500,000 mula sa P900,000 na pinaglabanan kay Albert Tan Jr.

Nakitaan naman ng lakas sa pagremate ang Spinning Ridge nang mula sa labas ay iwanan ang mga naunang kasabayan at napaborang Boss Jaden at Be Humble.

May 1:45 tiyempo ang Spinning Ridge (27’, 26, 25, 26’) para kunin din ang P500,000 sa SC Stockfarm Inc.

Ang win ng Five Star ay nasa P91.50 habang ang forecast na 12-5 ay pumalo sa P670.00 samantalang P45.00 ang win ng Spinning Ridge habang ang 7-5 forecast ay may P152.00 dibidendo.

 

vuukle comment

ALBERT TAN JR.

ANTONIO ALCASID JR.

BALLET FLATS

BE HUMBLE

BOSS JADEN

FIVE STAR

HUMBLE SUBMISSION

JAVIER JR.

JESSIE GUCE

SPINNING RIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with