Bynum nakuha ang injury sa kaliwang tuhod sa bowling
MANILA, Philippines - Napabalita kamakailan na nagkaproblema ang recovery ni Andrew Bynum sa kanyang injury sa kanang tuhod kaya matatagalan pa bago siya makabalik.
Ang dahilan pala ay nagka-injury naman ang kanyang kaliwang tuhod na ayon sa mga source ng espn.com ay dahil sa kanyang pagbo-bowling.
Inihayag ni Bynum, di nakalaro sa unang siyam na games ng Philadelphia dahil sa nagasgas na kanang tuhod, na namaga rin ang kanyang kaliwang tuhod ngunit hindi niya sinabing dahil ito sa pagbo-bowling.
“I don’t know what’s going on, but the doctors are saying pretty much that it’s a weakened cartilage state,” sabi ni Bynum noong Biyernes.
- Latest