... mapapanood sa GMA-7
MANILA, Philippines - Isang matinding laban ang magaganap sa paghaharap ng dalawang pinakamagagaling na boksingero sa flyweight division na sina WBO World champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria at WBA World champion Hernan ‘Tyson’ Marquez ng Me-xico sa Linggo.
Mapapanood ang pinakaaabangang labang ito na pinamagatang ‘Champion vs. Champion: Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria vs. Hernan ‘Tyson’ Marquez via satellite sa GMA 7 sa ganap na alas-3:00 ng hapon (pagkatapos ng Party Pilipinas) mula sa Los Angeles.
Kasalukuyang coach ni Marquez si Robert Garcia na siyang naging coach ni Viloria dala-wang taon na ang nakalipas. Ayon kay Viloria, hindi niya ito nakikita bilang isang hamon taliwas sa maaaring iniisip ng kabilang kampo: “I am not worried in the least. It has been two years since I’ve been with Garcia and I have changed my style and strategies conside-rably. They (Team Garcia) think they know me but they are wrong.”
Marami nang natutunan at nabuong mga bagong techniques sa ilalim ng mahusay na pagtuturo ni Freddie Roach na isa sa pinakamagagaling na boxing trainers sa buong mundo, si Viloria na handa niyang ipakita sa ring sa Linggo. Ang 31 taong gulang na si Viloria ay may record na 31 panalo, 18 knockouts at 3 talo, laban sa record ng 24-anyos na si Marquez na may 34 panalo, 25 knockouts at 2 talo.
Maaari ring sundan nang live ang mga kaganapan sa Super Radyo DZBB 594 MHz sa ganap na alas-10:00 ng umaga, samantalang ipapalabas din ang replay ng laban sa GMA News TV Channel 11 ng alas-10:00 ng gabi pagkatapos ng Reel Time.
- Latest