^

PM Sports

Mixers, Bolts asam ang no. 2 seat

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hangad ng San Mig Cof­fee at Meralco ang pag­sosyo sa pangalawang pu­westo sa pagharap ni­la kon­tra sa magkaibang ka­la­ban sa PBA Philippine Cup eliminations sa Smart Ara­neta Coliseum.

Makakaharap ng Mi­­xers ang Globalport Ba­tang Pier sa alas-5:15 ng hapon na susundan naman ng bakbakan ng Bolts kontra sa Barako Bull Ener­gy Cola sa alas-7:30 ng gabi.

May 3-2 na panalo-ta­lo karta ang San Mig Cof­fee na galing sa isang kon­trobersyal na 92-91 pa­nalo sa Energy Cola no­ong Linggo na nagbalik sa Mixers sa win column pagkatapos ng dalawang su­nod na pagkatalo sa de­fen­ding champion Talk ‘N Text at Rain or Shine.

Gusto ng Mixers at Bolts na tumabla sa parehong 4-2 na panalo-talo karta ng Elasto Painters at Alaska Aces sa likod ng 6-0 record ng Tropang Tex­ters.

Umaasa si San Mig Coffee head coach Tim Cone na masusundan ang pa­nalo sa Barako Bull kon­tra sa isa sa dalawang ko­ponang nasa ilalim ng team standings at inaasahang wala pa ring Gary Da­vid na patuloy na ipi­na­pahinga ang kanyang knee injury.

“We weren’t pretty last ga­me and it wasn’t our best effort but we found a way to win,” pahayag ni Cone patungkol sa pa­na­lo sa Energy Cola na kanilang nasiguro lamang nang tinapik palabas ng ring ni Rafi Reavis ang bo­la mula sa isang potential na game-winning basket ni Rico Villanueva sa hu­ling dalawang segundo ng laro na ipinaglaban ng Barako Bull na goalten­ding umano.

Pero ayon sa patakaran ng liga, hindi bawal ang gi­nawa ni Reavis, isang ba­gay na tinanggap na ng Energy Cola at hindi na iprinotesta ang resulta ng la­ro matapos nakipagpu­long kay PBA Commissioner Chito Salud noong Lunes.

 

ALASKA ACES

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENER

COMMISSIONER CHITO SALUD

ELASTO PAINTERS

ENERGY COLA

GARY DA

GLOBALPORT BA

SAN MIG COF

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with